9:01 PM

(0) Comments

Para kay KS: ang ending with a twist

karaniwangtao


Seq. 8
Ext. Day. Sa kalye, naglalakad papasok sa opisina. Lorraine and Kapitan Sino

Kapitan Sino: ang hirap talaga kapag ending na nang istorya ang pinag-iisipan

Lorraine: ha?! eh hindi ka pa nga nagsisimula e...

KS: ganun talaga, minsan mas madaling balangkasin ng mga manunulat ang istorya kapag alam na nila ang kahihinatnan nito... dalawa lang naman eh, happy o sad ending...

L: o sige nga, may suhestyon ka ba para mas maganda ang ending natin?

KS: Ganito, we kissed and we lived happily ever after

L: ang dull naman nyan... ang korni... lagyan mo naman ng twist

KS: teka, plan A pa lang yan, may plan C pa ako

L: ano yung plan b?

KS: wala akong plan B, C lang

L: hmm...

KS: yung plan C, since hindi nga talaga tayo hanggang dulo dahil nanghihina tayo kapag magkasama tayo, ilalagay ko na lang ang headquarters ko sa buwan... yun naman kasi ang Plan A ko sa buhay... ang maging mapag-isa... tutal kapag nandun naman ako, makikita kita using my super telescopic eye...

L: ngooork..

KS: haynaku...

L: pasensya ka na ha, antukin talaga ako eh... tsaka parang kinopya mo lang yung kay hancock, wala kang originality... maganda yung mejo maiba naman ang ending ko, kasi lahat kami pare-pareho yata ng kapalaran eh... una, kahit cute ka, mas cool kung mortal ang makakasama ko sa huli...

KS: ganun

L: pero syempre, lagyan mo muna ng twist, basta yan na yung ending, mortal ang magiging ka-holding hands ko sa Luneta...

KS: hmm, ok... sige, magiging theme song daw natin ang kanta ng MYMP, yung "there's a reason why we are together now"... pero secretly, hina-humm ko ang "Kundiman" ng the Jerks at "Kundiman" ng Silent Sanctuary... pero magiging masaya ang mga susunod na araw na pagsasaluhan natin, may mga konting lubak sa daan, pero masaya pa rin... then we'll sing "lucky" together sabay hirit ko ng "i'm yours"... hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko pang gumampan sa tungkulin ko bilang super hero at ikaw naman, gusto mo nang mag-settle, with a mature relationship... kaso nahihirapan ka, ayaw mo nang laging may pinagpapaliwanagan...

L: o, nanggagaya ka na naman, istorya ni Clark Kent yan eh... gusto ko unique yung akin, pare-pareho na sila nang ending, puro superhero ang nakatuluyan... maiba lang... hehe... ikaw kasi habang buhay kang magiging mas bata sa akin, ang daya mo... ayoko namang magmukhang Vicky Belo...

KS: ganun ba? o sige... e di makakatagpo ka ng sooobrang bait na milyonaryo, tapos medyo senior sya sa'yo, hindi nananakit, legal lahat ng business, tumutulong sa mahihirap, kalaban ng katiwalian, nature-lover, magaling kumanta, magaling sumulat, magaling sa lahat nang pwede mong ma-Imagine... hindi ka sasaktan, mamahalin ka ng higit pa sa buhay nya... alam mo yun, yung naka-package na, kulang na lang ay tatakan sa noo ng "para sa'yo, Lorraine"... ganun... tapos, ayun nga, mapapanatag na si Kapitan Sino, kasi alam nya, masaya ka na... mauumpog sya habang kalaban si "Dark Kapitan" at maa-amnesia, tapos papayag sya na palitan ng bakal ang mga buto nya para mas tumibay sya sa susunod nilang pagtutuos... sabi nya, pati na lamang loob, para astig... "paano yung puso mo?" tanong ng mad scientist. "hmm, hindi ba pwedeng gawin ding bakal yun?" "Sige, dahil magaling ako, gagawan na lang kita ng mechanical heart, free from all harm! BWAHAHAHAHA"...

and they both lived happily ever after...

5:33 PM

(0) Comments

Ang Alamat ng Swine Flu, Bow!

karaniwangtao


Kasabay ng mga balita tungkol sa lihim na pagpapakasal ni Juday at Ryan at ng laban nina Pacman at Hatton ay ang paglitaw ng isa na namang "virus" na di umano'y kikitil ng maraming buhay kapag di napigilan ang pagkalat.
At muli, nakita ko ang sarili ko sa harapan ng telebisyon, nanonood ng isa na namang sarzuelang kinatatampukan ng mga korporasyon. Parang telenobelang nauulit lang naman ng nauulit ang plot. Conspiracy- sila na may kakayahan na lumikha ng mga bagay na maaring makasakit sa kapwa at sila na nagluklok sa sarili nila para sabihing sila ang may saklaw sa pagpapahayag ng kung ano ang dapat na gawing aksyon ng sangkatauhan.

Habang isinusulat ko ito ay itinakda na ng World Health Organization sa ika-limang antas ang umano'y panganib ng H1N1 Virus o mas kilala bilang Swine Flu. Unang kumalat ang naturang sakit sa Mexico na kapitbahay lamang ng ating bidang Amerika. Nagdudulot ito ng pandaigdigang pagkagitla, pinu-puwersa ang mga pamahalaan at ang media (syempre) ng mga bansa na ituon ang kanilang atensyon sa “advertisement”.

Eto na naman sila, ipinapakita sa mundo na "they have their fare share of agony" masabi lamang na prone din sila sa pagharap sa mga suliraning dinaranas ng mga inaalipin nilang bansa gumagawa ng palabas ang mga kurakot sa kanilang gobyerno. Nakakalungkot lang na para bumenta ay kailangan nilang magsakripisyo ng mga inosenteng buhay.Kunsabagay, nagkaroon na ng outbreak ng naturang virus noong dekada '70, pero ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon na naman ng outbreak? Hindi ba dapat ay natuto na sila sa panganib na maaaring idulot ng Swine Flu? Hindi ba nila natukoy noon ang sanhi ng pagkakaroon nito? Hindi ba't may kasabihan tayo na "Prevention is better than Cure"?

Kataka-taka na ilang araw lamang matapos ang outbreak ay mayroon na kaagad gamot para lunasan ito. Ang ilang daan/libong taong pag-evolve ng isang virus ay nagawang tapatan ng matalinong aliping siyentipiko ng mga korporasyon ng gamot.
Hindi na natin kailangan ng “caught-in-the-act” na ebidensya para matukoy na ang may kagagawan ng pagkalat ng panibagong sakit ay ang mga korporasyon ng gamot. Sila ang may makinarya para sa pananaliksik at pag-iimbento. At sila rin naman kasi ang kakamal ng lubos na ganansya.

Kung susuriin nating maigi, sa sistemang kurakot ng ating pamahalaan, hindi malayong nakapasok na dito sa Pilipinas ang Swine Flu bago o sa simula pa lamang ng pagkadiskubre nito. Aminin natin na walang kapasidad an gating gobyerno para pigilan ang sakit, ang tangi lang nilang kayang gawin ay ngumalngal sa harap ng madla at sumakay sa isyu na animo’y nag-aalala sa kanilang mga kababayan.

Kung natural ang pagkalat ng sakit na ito ay una sana itong tumama sa mga mahihirap ng bansa. Pero kung titignan nating maigi, pawang mayayamang bansa ang “target” ng sakit. Ito ay dahil ang mga mamamayan na mga bansang ito ang may kapasidad na bumili ng ibinebenta nilang gamot.

Dito kasi sa atin sa Pilipinas, ang karamihan sa ating populasyon ay hindi health conscious dahil ang pangunahing problema natin dito ay pagkain. Sa palagay ko ay may epekto lamang ito sa takot nating kumain ng karne ng baboy. Pero hindi rin, bagkus ay sinasamantala kasi ng mahihirap ang mga ganitong pagkakataon kung saan bumababa ang presyo ng nasasakdal na produkto.

Ang mga sakit na “gawa-gawa” lamang ay inilulunsad lamang para kumita ang malalaking kumpanya ng artipisyal/kemikal na gamot. Kung mag-iingat lamang tayo sa paghahanda ng pagkain at susuriin ang pinagmumulan nito ay malalayo tayo sa kapahamakan.

Nakakapanggalaiti lang talaga na ang target ng mga makasariling negosyante ay ang mga pangunahing pangangailangan ng tao. Nasaan kaya ang konsensya ng mga taong ito?

Kung hindi kayo kumbinsido na artipisyal nga ang sakit na ito ay may isa pang anggulong pwedeng tignan. Simulan natin sa tanong na “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang kinakain mong karne?” at susundan pa nang “Paano kaya pinoproseso ang mga karneng ito?” at nang “Nakasisiguro ba akong ligtas ang kakainin ko?”… mahilig pa tayo sa imported o yung mga sosyal na karne sa mga supermarket--- alam nyo ba kung saan nanggagaling ang tila walang hanggang suplay at laging “fresh” na karneng ibinibida nila? Panoorin nyo na lang ang The Meatrix para masagot ang ilang tanong na ito… at kayo nang bahala sa mga susunod ninyong matutuklasan…