7:30 PM

(0) Comments

hmmm...

karaniwangtao

buhayin ko kaya ang blogging life ko?

7:49 AM

(0) Comments

DONT ENGLISH ME or else I WILL ENGLISH YOU TOO


Filipino= Tagalog vs Cebuano, English, Iloco, Waray, Kapampangan, Ilonggo, Ivatan atbp
____________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ ___

Buwan ng Wikang Pambansa, naging abala na naman ang mga kabataan para sa munting palatuntunan sa kanilang mga paaralan na nakalaan para sa wikang nagbubuklod umano sa bayang may 171 diyalekto. Pero palamuti lamang ang pag-alalang ito dahil hindi naman talaga natin isinasabuhay ang pagmamahal sa sariling wika.

Panahon ng Commonwealth ng maisip ni Manuel Quezon na magkaroon ng isang pangunahing wikang sasalitain. Sa pagkakatanda ko sa aming aralin sa Filipino 101, marami ang umalma dahil sa ang napagkasunduang wika na binansagang "Filipino" ay halos sa salitang tagalog ibinatay. At hanggang ngayon ay ramdam ang pagtangging ito ng nakararaming sumasalita ng ibang diyalekto.

Karaniwan na sa mga pamilyang Pilipino ang paghikayat sa mga anak na maging matatas sa Ingles. Natatandaan ko pa, sa bahay ng mga pinsan ko, hindi ka bibigyan ng inuming tubig kapag hindi "water please?" (with accent po yun ah, "woter pliz").

Colonial Mentality, makakanluraning kaisipan, kapag magaling mag-ingles, matalino. 'Yan ang ipinasak sa isip ko nung bata ako, kaya naman kapag english mode na ang takbo ng usapan sa klase, nahirapan akong magpahayag ng tunay kong naiisip at saloobin. Kasabay sa pag-intindi ko ng mga ponema, morpema, panipi, bugtong, ay ang pagtukoy kung ano ang adjective at adverb at ang pinagkaiba nito sa verb at kung ano ang noun at pronoun. Tuwing English class, bawal magtagalog, kaya huli na ng malaman ko na ang ibig sabihin pala ng salitang Gullible sa wikang Filipino ay "mapaniwalain, madaling maloko o malansi, madaling madaya o malinlang, taong madaling mauto" kasi umaabot ng ilang sandali bago ko ma-construct ang tanong ko tungkol dito, ayun, next word na pala ang inaaral ng klase... naniwala tuloy ako na hindi ako magiging magaling sa wikang ingles kasi hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga teacher ko sa mga araling gumagamit lamang ng mga terminong ingles.

Nung highschool, kapag malalim kang mag-Filipino, mapapangisi mga kaklase dahil para kang time traveller mula sa panahon ni Balagtas...

Ngayon, malaki kikitain mo basta kaya mong makipagtalastasan sa mga banyagang nagtatanong kung pano gumamit ng mga appliances na may kasama namang manual.

Itinutulak tayo ng kaisipang ipinasak sa mga kokote natin para talikdan ang isyu kung talaga bang naiintindihan ng mga bata ang mga aralin nila. Tuwang-tuwa ako noon nang mabalitaan kong isasalin sa wikang Filipino ang Science, paborito ko kasi ang subject na yun, pero yung inglisero kong guro, pinagtawanan ang konsepto at nagbigay ng mga terminong pang-agham na kakatuwang pakinggan kapag isinalin sa Filipino.

Sa pakikibahagi ko sa team ni Howie sa pagbusisi sa kalagayan ng sistema ng edukasyon sa ilalim ng "bilingual policy", nakakakilabot ang aking mga natuklasan.. . Biktima ako at ang nakararami sa atin ng sistemang pang-edukasyong pilit na pinipilipit ang dilang pwede naman palang matuto at maging mahusay sa mga aralin gamit ang alinman sa 171 diyalektong kinagisnan. Tagalog ako, Cebuano ka, Iloco ang kaibigan natin. Oo, may mga mga umaalma pa sa konstruksyon o pagkakatalaga ng Filipino bilang wikang pambansa, at may ilan pang mas isinusulong ang wikang banyaga sa halip na linangin at preserbahin ang kung ano ang sa atin.

Isa po itong paanyaya na panoorin ang dokumentaryo ng I-Witness ngayong Lunes, ika-31 ng Agosto sa GMA 7, pagkatapos ng Saksi. Sakay ng bisikletang si Bughaw, nilibot ni Howie ang ilang lugar sa Maynila at napansing sa halos isang siglong pagpapasak sa utak natin ng wikang Ingles ay hindi pa rin masasabing matatas nga tayo sa itinuturing na wikang international. Inalam din ng team kung ano ang mga hakbang tungo sa pagtutuwid ng mga pilipit nating dila't kaisipan...

5:03 PM

(0) Comments

"Tatlong Pasada" Cesar Apolinario's Documentary

karaniwangtao


“TATLONG PASADA”
Cesar Apolinario’s I-Witness Documentary
Airing Date: July 20, 2009

More than six decades have passed since the jeepney, a World War 2 leftover vehicle, was modified into a public transport. The jeppney’s robust built and dependability propelled it to the status of being the Philippine’s national transport, a symbol of our culture and ingenuity.

But due to lack of technological innovation, jeepneys are now deemed highly inferior to the trains of the railway transport system. The LTFRB even announced recently that the number of jeepneys in Metro Manila will be lessened significantly. Is this the start of the jeepney’s eventual demise?

In his first documentary for I-Witness, GMA Senior Reporter and award-winning director Cesar Apolinario joins three charming jeepney drivers as they traverse through the busy roads of Luzon and tell amusing stories about life in the fast lane.

“BASTA DRIVER, SWEET LOVER”
Kano is the perfect jeepney driver who exemplifies the famous phrase “basta driver sweet lover.” He has 7 children from four different women, all of whom were his passengers before. Kano’s route stretches from Montalban, Rizal to Cubao Quezon City. To augment his income, Kano illegally cuts his trip short to steer clear from heavy traffic in Aurora Boulevard, a main road in Quezon City also serviced by other competitors like FX taxis and the extensive LRT 2 line.

“HOME SWEET HOME”
Lolo Pilo has been driving his jeepney for more than half of his life. For 38 years, he says he has never regretted choosing jeepney driving as a livelihood. Lolo Pilo even declares that his love for his ex-wife compares poorly to the devotion that he gives to his 14-year old jeepney, where he also prefers to stay and sleep alone.

“JEEPNEY EXPRESS”
Four hours away from the City of Pines, a remote community bereft of technological wonders relies only on the jeepney to survive and support the whole populace’s needs. Residents of Gadang in Benguet usually ask Bert, one of the drivers of the only four jeepneys that travel back and forth the town, to buy them their household goods and supplies.

From the chaotic streets of Metro Manila to the mountain edges of Benguet, Cesar Apolinario takes on the driver’s seat this Monday midnight in this amazing road documentary “Tatlong Pasada,” airing on I-Witness after the late night newscast Saksi.

4:57 PM

(0) Comments

"Tatlong Pasada" Dokumentaryo ni Cesar Apolinario

karaniwangtao


“TATLONG PASADA”
Dokumentaryo ni Cesar Apolinario
Para sa I-Witness
Airing Date: Hulyo 20, 2009

Maituturing pa rin bang pambansang sasakyan ang jeepney?

Sa lumipas na mahigit anim na dekada pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula nang maimbento ang jeepney ng mga Pilipino, itinuring na itong simbolo ng kultura at pagiging malikhain nating mga Pinoy. Pero hindi tulad ng mga bagong bus at tren, tila napag-iwanan na ng teknolohiya ang jeepney. May mga nagsasabing kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, may posibilidad na mawala na nang tuluyan ang mga tinaguriang hari sa kalsada. Kamakailan lang, naglabas ng anunsyo ang LTFRB na babawasan na nila ang bilang ng mga jeepney na bumibiyahe sa Kamaynilaan.

Sa kanyang kauna-unahang dokumentaryo para sa I-Witness, ikukuwento ng GMA Senior Reporter at award-winning na direktor na si Cesar Apolinario ang buhay ng tatlong jeepney drivers, at isasalaysay ang kanilang mga hinaing at pambihirang pagmamahal sa napiling propesyon.

BASTA DRIVER, SWEET LOVER
Isang patok na jeep ang minamaneho ni Kano, na perpektong halimbawa ng mga katagang “basta driver, sweet lover.” May pitong anak si Kano sa apat na babae na pawang naging pasahero niyang lahat. Nagsisimula sa Montalban, Rizal hanggang Cubao, Quezon City ang biyahe niya, pero para lumaki ang kita, nagka-cutting trip si Kano. Hhindi niya idinideretso ang biyahe sa Cubao para makaiwas trapiko sa Aurora Boulevard, na pugad din ng mga kalaban gaya ng FX at LRT2.

HOME SWEET HOME
Mahigit kalahati ng buhay ni Lolo Pilo, inilaan na niya sa pagmamaneho ng jeepney. Sa loob ng tatlumpu’t walong taon, hindi raw niya pinagsisihan kailanman kung bakit pagmamaneho ang napili niyang propesyon. Noong 1971, nauwi sa hiwalayan ang pagsasama niya at ng kanyang asawa, pero kung si Lolo Pilo ang tatanungin, mas minahal pa niya ang kanyang 14 taong jeepney na nagsilbi rin niyang tahanan.

JEEPNEY EXPRESS
Isang liblib na lugar ang Gadang sa probinsiya ng Benguet, apat na oras na biyahe mula sa Baguio City. Apat lang ang jeep dito na nagbibigay ng transportasyon sa mga residente. Para makatipid sa pamasahe, nakikisuyo ang iba kay Bert na mamili ng kanilang mga pangangailangan sa Baguio. Dahil dito, wala na raw iba pang lugar sa Pilipinas na tumitingala sa mga jeepney driver tulad ni Bert.

Sumakay na at sundan ang “Tatlong Pasada” kasama si Cesar Apolinario sa I-Witness, ngayong Lunes ng hatinggabi pagkatapos ng Saksi.



-Kristoffer Brugada

9:01 PM

(0) Comments

Para kay KS: ang ending with a twist

karaniwangtao


Seq. 8
Ext. Day. Sa kalye, naglalakad papasok sa opisina. Lorraine and Kapitan Sino

Kapitan Sino: ang hirap talaga kapag ending na nang istorya ang pinag-iisipan

Lorraine: ha?! eh hindi ka pa nga nagsisimula e...

KS: ganun talaga, minsan mas madaling balangkasin ng mga manunulat ang istorya kapag alam na nila ang kahihinatnan nito... dalawa lang naman eh, happy o sad ending...

L: o sige nga, may suhestyon ka ba para mas maganda ang ending natin?

KS: Ganito, we kissed and we lived happily ever after

L: ang dull naman nyan... ang korni... lagyan mo naman ng twist

KS: teka, plan A pa lang yan, may plan C pa ako

L: ano yung plan b?

KS: wala akong plan B, C lang

L: hmm...

KS: yung plan C, since hindi nga talaga tayo hanggang dulo dahil nanghihina tayo kapag magkasama tayo, ilalagay ko na lang ang headquarters ko sa buwan... yun naman kasi ang Plan A ko sa buhay... ang maging mapag-isa... tutal kapag nandun naman ako, makikita kita using my super telescopic eye...

L: ngooork..

KS: haynaku...

L: pasensya ka na ha, antukin talaga ako eh... tsaka parang kinopya mo lang yung kay hancock, wala kang originality... maganda yung mejo maiba naman ang ending ko, kasi lahat kami pare-pareho yata ng kapalaran eh... una, kahit cute ka, mas cool kung mortal ang makakasama ko sa huli...

KS: ganun

L: pero syempre, lagyan mo muna ng twist, basta yan na yung ending, mortal ang magiging ka-holding hands ko sa Luneta...

KS: hmm, ok... sige, magiging theme song daw natin ang kanta ng MYMP, yung "there's a reason why we are together now"... pero secretly, hina-humm ko ang "Kundiman" ng the Jerks at "Kundiman" ng Silent Sanctuary... pero magiging masaya ang mga susunod na araw na pagsasaluhan natin, may mga konting lubak sa daan, pero masaya pa rin... then we'll sing "lucky" together sabay hirit ko ng "i'm yours"... hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko pang gumampan sa tungkulin ko bilang super hero at ikaw naman, gusto mo nang mag-settle, with a mature relationship... kaso nahihirapan ka, ayaw mo nang laging may pinagpapaliwanagan...

L: o, nanggagaya ka na naman, istorya ni Clark Kent yan eh... gusto ko unique yung akin, pare-pareho na sila nang ending, puro superhero ang nakatuluyan... maiba lang... hehe... ikaw kasi habang buhay kang magiging mas bata sa akin, ang daya mo... ayoko namang magmukhang Vicky Belo...

KS: ganun ba? o sige... e di makakatagpo ka ng sooobrang bait na milyonaryo, tapos medyo senior sya sa'yo, hindi nananakit, legal lahat ng business, tumutulong sa mahihirap, kalaban ng katiwalian, nature-lover, magaling kumanta, magaling sumulat, magaling sa lahat nang pwede mong ma-Imagine... hindi ka sasaktan, mamahalin ka ng higit pa sa buhay nya... alam mo yun, yung naka-package na, kulang na lang ay tatakan sa noo ng "para sa'yo, Lorraine"... ganun... tapos, ayun nga, mapapanatag na si Kapitan Sino, kasi alam nya, masaya ka na... mauumpog sya habang kalaban si "Dark Kapitan" at maa-amnesia, tapos papayag sya na palitan ng bakal ang mga buto nya para mas tumibay sya sa susunod nilang pagtutuos... sabi nya, pati na lamang loob, para astig... "paano yung puso mo?" tanong ng mad scientist. "hmm, hindi ba pwedeng gawin ding bakal yun?" "Sige, dahil magaling ako, gagawan na lang kita ng mechanical heart, free from all harm! BWAHAHAHAHA"...

and they both lived happily ever after...

5:33 PM

(0) Comments

Ang Alamat ng Swine Flu, Bow!

karaniwangtao


Kasabay ng mga balita tungkol sa lihim na pagpapakasal ni Juday at Ryan at ng laban nina Pacman at Hatton ay ang paglitaw ng isa na namang "virus" na di umano'y kikitil ng maraming buhay kapag di napigilan ang pagkalat.
At muli, nakita ko ang sarili ko sa harapan ng telebisyon, nanonood ng isa na namang sarzuelang kinatatampukan ng mga korporasyon. Parang telenobelang nauulit lang naman ng nauulit ang plot. Conspiracy- sila na may kakayahan na lumikha ng mga bagay na maaring makasakit sa kapwa at sila na nagluklok sa sarili nila para sabihing sila ang may saklaw sa pagpapahayag ng kung ano ang dapat na gawing aksyon ng sangkatauhan.

Habang isinusulat ko ito ay itinakda na ng World Health Organization sa ika-limang antas ang umano'y panganib ng H1N1 Virus o mas kilala bilang Swine Flu. Unang kumalat ang naturang sakit sa Mexico na kapitbahay lamang ng ating bidang Amerika. Nagdudulot ito ng pandaigdigang pagkagitla, pinu-puwersa ang mga pamahalaan at ang media (syempre) ng mga bansa na ituon ang kanilang atensyon sa “advertisement”.

Eto na naman sila, ipinapakita sa mundo na "they have their fare share of agony" masabi lamang na prone din sila sa pagharap sa mga suliraning dinaranas ng mga inaalipin nilang bansa gumagawa ng palabas ang mga kurakot sa kanilang gobyerno. Nakakalungkot lang na para bumenta ay kailangan nilang magsakripisyo ng mga inosenteng buhay.Kunsabagay, nagkaroon na ng outbreak ng naturang virus noong dekada '70, pero ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon na naman ng outbreak? Hindi ba dapat ay natuto na sila sa panganib na maaaring idulot ng Swine Flu? Hindi ba nila natukoy noon ang sanhi ng pagkakaroon nito? Hindi ba't may kasabihan tayo na "Prevention is better than Cure"?

Kataka-taka na ilang araw lamang matapos ang outbreak ay mayroon na kaagad gamot para lunasan ito. Ang ilang daan/libong taong pag-evolve ng isang virus ay nagawang tapatan ng matalinong aliping siyentipiko ng mga korporasyon ng gamot.
Hindi na natin kailangan ng “caught-in-the-act” na ebidensya para matukoy na ang may kagagawan ng pagkalat ng panibagong sakit ay ang mga korporasyon ng gamot. Sila ang may makinarya para sa pananaliksik at pag-iimbento. At sila rin naman kasi ang kakamal ng lubos na ganansya.

Kung susuriin nating maigi, sa sistemang kurakot ng ating pamahalaan, hindi malayong nakapasok na dito sa Pilipinas ang Swine Flu bago o sa simula pa lamang ng pagkadiskubre nito. Aminin natin na walang kapasidad an gating gobyerno para pigilan ang sakit, ang tangi lang nilang kayang gawin ay ngumalngal sa harap ng madla at sumakay sa isyu na animo’y nag-aalala sa kanilang mga kababayan.

Kung natural ang pagkalat ng sakit na ito ay una sana itong tumama sa mga mahihirap ng bansa. Pero kung titignan nating maigi, pawang mayayamang bansa ang “target” ng sakit. Ito ay dahil ang mga mamamayan na mga bansang ito ang may kapasidad na bumili ng ibinebenta nilang gamot.

Dito kasi sa atin sa Pilipinas, ang karamihan sa ating populasyon ay hindi health conscious dahil ang pangunahing problema natin dito ay pagkain. Sa palagay ko ay may epekto lamang ito sa takot nating kumain ng karne ng baboy. Pero hindi rin, bagkus ay sinasamantala kasi ng mahihirap ang mga ganitong pagkakataon kung saan bumababa ang presyo ng nasasakdal na produkto.

Ang mga sakit na “gawa-gawa” lamang ay inilulunsad lamang para kumita ang malalaking kumpanya ng artipisyal/kemikal na gamot. Kung mag-iingat lamang tayo sa paghahanda ng pagkain at susuriin ang pinagmumulan nito ay malalayo tayo sa kapahamakan.

Nakakapanggalaiti lang talaga na ang target ng mga makasariling negosyante ay ang mga pangunahing pangangailangan ng tao. Nasaan kaya ang konsensya ng mga taong ito?

Kung hindi kayo kumbinsido na artipisyal nga ang sakit na ito ay may isa pang anggulong pwedeng tignan. Simulan natin sa tanong na “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang kinakain mong karne?” at susundan pa nang “Paano kaya pinoproseso ang mga karneng ito?” at nang “Nakasisiguro ba akong ligtas ang kakainin ko?”… mahilig pa tayo sa imported o yung mga sosyal na karne sa mga supermarket--- alam nyo ba kung saan nanggagaling ang tila walang hanggang suplay at laging “fresh” na karneng ibinibida nila? Panoorin nyo na lang ang The Meatrix para masagot ang ilang tanong na ito… at kayo nang bahala sa mga susunod ninyong matutuklasan…

3:44 PM

(0) Comments

Boulder Boys by Howie Severino


Howie Severino’s I-Witness Documentary
February 23, 2009 on GMA-7, delayed a day or two on PinoyTv overseas

A tale of heart-breaking friendship amidst hard laborIn the desert-like landscape left by lahar from Mount Pinatubo, young teenage boys dig out big rocks and carry them to common piles for sale to greedy traders. This livelihood they call "boulders" is back-breaking work under a scorching sun. But it is just one element that knits together this close group of friends, each of whom has a heart-breaking tale.

John Paul, the mature and stoic leader named after a pope, just dropped out of school to work full time to help his large family. His father is a drunk, his older brother a special child. Ariel is the lone Ayta, who has found a barkada that accepts him and will defend him from other teens who look down on natives. Alvin was victimized by polio and can barely lift any rocks, but he weaves his bike daily among the speeding quarrying trucks to collect food from their families and deliver the group's lunch. Raymart is the fighter, made sullen by his father's recent abandonment. They call themselves 3 Stars, after the three barangays from which they hail.

I-Witness shadows this motley crew in the barren river valley nicknamed Pasig where they spend speechless hours straining their young bodies for a pittance. But the cameras are present as well when they shed their grimness and jump happily into a local watering hole, gel their hair and attend a Valentine's Day dance, and exhibit their love for basketball.

In the end it's still the rocks that bind them. The camera trails them back to the valley where they wait patiently for the tardy truck that will haul away the weighty fruits of their labor. When the truck finally comes, they engage in yet another common, back-breaking ritual -- loading. This is when John Paul notices something amiss, a dreadful realization after all their hard work. Like nearly everything in their hard-luck lives, they face this misfortune with an admirable acceptance.